Letters of Youth

KAYONG MGA GURO, WALA KAYONG KAPANTAY

/ 6 October 2020

“May assignment tayo bukas

Get one whole sheet of paper

May report tayo bukas kaya maghanda

Mag ooral ako kaya mag advance study kayo”

 

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima o higit pa

Mga linyang di natin makalilimutan sakanila

Kahit paman na tayoy punong puno na ng problema

Alam niyo ba, na nangagamba rin sila?

 

Hindi biro kung magturo ika nga nila

Pero minsan kami ay sumusobra

Ang mga payo niyo’y aming binaliwala

Pero patuloy pa rin kayong nagdidisiplina

 

Kahit pagod, patuloy parin sa karera

Itinaya ang buhay, para lang makapagturo sa mga bata

Sa bawat pagturo at pagsulat niya sa pesara

Kaakibat nito ang kaalaman na aming nakuha

 

Tunguhin nilang magturo

Hindi lingid sa kanilang kaalaman ang hirap at sakripisyo

Ang importante lamang ay makapagtapos tayo

At makapagsimula ng bagong trabaho

 

Ngunit, sa araw-araw nating pagsasama

Kami ay namulat sa aming nagawa PASENSYA pala, kung bakit palagi kaming ganito

Kung bakit matigas ang aming ulo at hindi kami nakikinig sa inyo

PATAWAD po kung bakit kami naging pasaway sa inyo

Alam namin, na kami ang rason kung bakit masakit palagi ang inyong ulo

Pero, sinisigurado namin na balang araw ay may maisukli rin kami sa inyo

At iyon ay ang diploma at sertipiko

 

Lilipas ang panahon, ang balat nilay – kukulubot, hihina ang pandinig, puputi ang – buhok, hihina ang katawan, mahihirapan maglakad, at mauubosan ng ngipin

 

Mangyari man ang mga iyan, kayo parin ang aming pangalawang pamilya

Pangalawang pamilya na nagsilbi sa amin bilang ama at ina

Ama at ina na siyang naging daan upang kami’y gabayan sa pag eskwela

Pag-eskwela na siyang nagsilbi sa amin bilang isang sandata

Sandata na nagsilbing ilaw sa aming madilim na kalsada

Kalsada tungo sa rurok ng aming pag asa

Pag asa na walang iba kundi ang aming pinakamamahal na mga maestro’t maestra.

 

Sa bawat baon ni inay

Sa bawat pagsulat ng aking kamay

May isa kaming mensahe sa inyo na maiuugnay

At iyon ang katagang, “Wala kayong kapantay!”