KAPIRASONG PAPEL
Kumakala-kalansing ang mga tansan…
Kumukuti-kutitap ang mga ilaw kasabay ng bituin sa kalangitan.
Kay sarap damhin at pakinggan ng simoy ng hangin rito sa apat na sulok ng bintana habang hawak ang kapirasong papel. Masasayang naghahabulan ang mga bata sa daan habang ang mga magulang nila’y nag-iihaw sa kanilang bakuran.
Maligayang Pasko, Binibini. Nawa’y iyong titigan ang mga bituin sa mga sandaling ito dahil dito lamang tayo magkakatagpo.
Nakangising binasa ang liham ni Crisologo. Siya ang naging manliligaw ko at nais kong mairegalo ang araw na ito sa kaniya, ngunit pinatigil ko dahil sa hindi pa ako handang magkaroon ng manliligaw o nobyo. Marahil ay takot ako sa aking ama dahil ibig niyang maging isa akong tagapaglingkod ng simbahan tulad ng aking nakatatandang kapatid. Hindi ko naisip sumuway dahil siguradong itatakwil ako ng aking buong angkan.
Lumabas ako sandali upang maglakad-lakad.
“Hindi ba’t napakaaliwalas ng kalangitan ngayon, Binibini”
“G-Ginoo? B-Bakit m-mo…”
“Binibini, i-ipagpaumanhin mo” sabay na tumakbo.
Hindi ko inaasahan ang nasilayan at naramdaman. Bumulagta na lamang ako sa daan at tinitigan ang kamay kong puno at duguan kong suot na baro’t saya sa pagkakasaksak nito habang hawak ang kapirasong papel.
Nais ko sanang isama ka sa kalawakan…
Nagmamahal,
Crisologo