KAKASA, SAMA KA
Sa mga luha’y ‘di mabubura,
Bigat na dinadala,
Mapapait na alaala,
Ang iyong ngiti,
Na nakakorte sa labi,
Kapalit pala’y pighati’t hikbi
Tiwala sa kanila’y ipinagkaloob,
Sila pala’y ugaling buktot,
May sungay at buntot
Pilit kang lumaban,
Hindi ka nila tinigilan,
Humahalakhak pa ang karamihan
Asal putik,
Pinaliligiran ng tinik,
Galawang tiktik
Hanapin ang nakatagong katarungan,
Huwag hayaang hustisa’y ibaon na lamang,
Gamit ang mga ipangsisilaw nilang yaman
Boses ng bawat isa’y mahalaga,
Tayo’y kakasa,
Para sa hustisya
Huwag ka lang manood,
O tumanghod,
Hindi mo alam kung sino ang kanilang isusunod.
#JusticeForChristineDacera