HIMALA
‘Walang himala at walang diyos!’ katagang nakatatak sa isip ni Mark, simula ng itinakwil siya ng kaniyang pamilya lalo na ng kanyang ama.
Lumayas si Mark sa puder ng kaniyang mga magulang na baon ang poot at hinagpis, dahil sa hindi pagtanggap ng kaniyang kasarian.
Namuhay si Mark ng balot ng pighati ang puso, at galit sa mundo lalo na sa diyos.
Sa katunayan wala siyang kinikilalang Panginoon.
Subalit ng minsa’y nakapasok siya sa isang lugar na tahimik, at lugar ng luhudan ay hindi niya naisip na dito niya pala mararanasan ang himala.
Simula noon ay araw-araw na siyang nagpupunta sa lugar na iyon, hindi dahil sa tahimik ang lugar kundi maraming lalaking naghihimala tuwing siya’y lumuluhod.