ZumBASA: BAGONG PARAAN NG PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA DAVAO DEL NORTE
UPANG maging masaya ang pag-aaral sa pagbabasa, ginawang hybrid ang pamamaraan nito sa Davao del Norte.
Ngayong panahon ng pandemya ay lumalabas ang pagiging malikhain ng ilang mga guro sa pagpapatuloy ng edukasyon, tulad na lamang sa Dalisay Village Elementary School na matatagpuan sa siyudad ng Panabo, lalawigan ng Davao del Norte.
Ang #ZumBASA ay ang school reading innovation na binuo ng naturang paaralan nang sa gayon ay matulungan ang kanilang mga mag-aaral na nahihirapang bumasa.
Ang pagbabasa ay susundan ng maikling Zumba dance activity na pinangungunahan ng mga guro at learning support aides habang sinusunod ang safety protocols upang masiguro ang kaligtasan ng lahat laban sa Covid19.
Patunay lamang ito na hindi tumitigil ang mga paaralan sa paghahanap ng paraan upang gawing kasiya-siya at nakaeengganyo ang pag-aaral maging sa ilalim ng new normal.