XAVIER U NIGHT SCHOOL PATULOY SA PAGTANGGAP NG ENROLLEES
PATULOY na itinataguyod ng Xavier University – Ateneo de Cagayan School of Education’s Arrupe Educational Center ang Night School Program – Alternative Learning System sa gitna ng Covid19 pandemic.
Ang NSP-ALS ay isang programang laan para maghatid ng non-formal education sa out-of- school youth at adults ng nagnanais matuto ng mga teknikal na kasanayang magagamit sa han-apbuhay o gawaing gustong suungin ng mga mag-aaral sa pagtatapos ng kani-kaniyang piniling kurso.
May kahirapan ang ganang porma ng edukasyon sapagkat limitado ang face-to-face interaction na maaaring isagawa ng XU kahit na ang totoo’y sa usapin ng teknikal na kasanayan ay hands-on training ang susi para tiyak na may matututunan.
Sa kabila nito’y ginagawa ng pamantasan, sa tulong ng Department of Education – Alternative Learning System, ang lahat ng makakaya upang makapaghatid pa rin ng dekalidad na edukasy-on sa paraang blended learning — online at self-learning modules.
Sa kasalukuyan ay mayroon itong 45 enrollees para sa Batch 5. Dagdag pa, 23 mag-aaral sa School of Education ang tumutulong sa mga instruktor ng NSP-ALS sa paggawa at pagpapaunlad ng mga module at pagpapadaloy ng online interactive classes.
“The program continues to focus on individual academic performance, formation and leadership development, and culture and the arts. Through these remote learning activities, it will provide an inclusive and equitable quality education that will develop a promising future for the young gen-eration,” sabi ng XU sa kanilang opisyal na website.