WIFI MODEMS PINA-RAFFLE SA TUGUEGARAO, CAGAYAN
PINANGUNAHAN nina Cagayan Ex-officio Board Member Maila Ting-Que at Third District Board Member Perla Tumaliuan ang ‘Abangers 8.8: Spin a Wheel, Win a Deal’ online raffle program para sa mga magulang at mag-aaral na lumalahok sa online-modular distance learning ng mga paaralang panlusod, elementarya hanggang sekundarya, sa Tuguegarao, Cagayan.
Sa raffle, ang pangunahing ipinamigay nina Ting-Que at Tumaliuan ay mga WiFi modem na makatutulong sa mga mag-aaral na wlang sariling internet sa bahay at hirap kumonekta sa kani-kanilang online classes.
Bukod dito, namigay rin sila ng ilang mga papremyo at regalo sa mga piling guro ng third district bilang pagkilala sa kanilang kabayanihan ngayong Buwan ng mga Guro.
Pagbabahagi ni Ting-Que sa Facebook, “This is my way of saying thank you for all the blessings that God has showered upon me and family. Hindi man overflowing ang bulsa, ang mahalaga we get by and share a little of what we have to those who truly need it. I hope that one day you too will be able to pay it forward. Sama-sama tayong lalaban para sa bayan.”
Dagdag pa niya, naging inspirasyon niya ang kaniyang ama at mga kapatid upang magbigay nang magbigay ng tulong sa mga kapus-palad lalo pa ngayong nahaharap ang buong bansa sa ikrisis pangkalusugan.
“My papa and my brothers always taught me na kahit kaunting tulong lang ang maiabot mo sa isang taong gustong makapagtapos ng pag-aaral, malaking bagay na rin iyon for them to continue pursuing their goals,” sabi pa niya.
Ang Abangers 8.8 ay ang unang installment ng online raffle na pinasimulan ng dalawang kongresista. Inaabangan na ng taumbayan ang pangalawang episode nito na mangyayari sa susunod na buwan.