‘WIFI KO, WIFI MO’ PROJECT ABOT ANG MAS MARAMING PAARALAN SA TUGUEGARAO
KARAGDAGANG 24 na paaralan at 19 na barangay ang inaabot ng ‘WiFi Ko, WiFi Mo‘ project ng Lungsod ng Tuguegarao bilang tulong sa papalapit na pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.
Ayon sa Tuguegarao City Information Office, pinagbubuti ng pamahalaan ang ganang proyekto sapagkat batay sa kanilang datos ay maraming mag-aaral na ang nahihirapan sa kawalan, kabagalan, at kamahalan ng internet access ngayon pang blended learning na ang modalidad.
Nasa 100mbps ang bilis ng lahat ng WiFi network ng proyekto na sa kasalukuya’y bumabagtas na sa 43 access points. Libre itong magagamit ng mga mag-aaral na naninirahan sa lungsod.
Bagaman may ilang hakbang upang utilisahin ang radio at TV waves para sa local transmission ng mga audio-video materials ng Department of Education, pinaniniwalaan pa ring dekalidad na internet ang pinakamainam na kasangga ng mga mag-aaral mula kinder hanggang kolehiyo.
Hindi dapat pagkaitan ng akses sa impormasyon ang sinumang nagnanais na matuto sa araw- araw kaya gayon na lamang ang pagtatangi ng lungsod sa internet connectivity initiatives.
Pinapangarap ni Mayor Jefferson Soriano na palawigin pa ang saklaw ng WiFi project nang walang mamamayan ng lungsod ang maiiwan sa bagong lapit pampagtuturo at pampagkatuto at gagawin niya umano ang lahat para maisakatuparan ito sa lalong madaling panahon.