WIFI HOTSPOTS PA MORE PARA SA MGA MAG-AARAL NA ILOKANO
NAGDAGDAG ng hindi bababa sa 33 wifi sites ang Department of Information and Communications Technology – Ilocos Norte upang mas maraming mag-aaral ang magkaroon ng mabilis at libreng internet access habang sila’y nasa blended, distance, at online learning sa panahon ng Covid19 pandemic.
Sa ulat ni Sangguniang Panlalawigan Committee on Education Chair Atty. Saul Paulo Lazo, ang 33 hotspots ay nakakalat sa buong lalawigan at bukas para sa mga mag-aaral at residenteng Ilokano.
Mas marami pa umanong nakapilang programang pang-internet upang makatulong sa Department of Education sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon kahit na ipinagbabawal pa rin ang face-to-face classes sa buong Filipinas.
“Additional 136 sites are also slated for the DICT program to ensure that all rural and urban areas can cope up with the new norms of learning and that no one should be left behind when it comes to education,” wika niya.
Ang pagbibigay ng libreng internet sa buong lalawigan ay matagal na nilang pinaplano bago pa man dumating ang pandemya. Ito ay nasa ilalim ng Technology for Economic Development project ni noong Gobernador at ngayon ay ni Senadora Imee Marcos.
Ang Tech4ED ay pinangangasiwaan na ng Department of Science and Technology – Information and Communication Technology at paunti-unti na ring iniimplementa sa buong bansa.