Region

WALANG PASOK DAHIL SA BAGYONG CRISING

/ 14 May 2021

Kanselado ang klase sa lahat ng antas sa Davao City, publiko at pribado, mula kindergarten hanggang graduate school ngayong araw at bukas dahil sa pananalasa ng Bagyong Crising.

Inanunsiyo ito ni Mayor Sara Duterte upang makapaghanda ang mga pamilya sa anumang pinsalang maaaring idulot  ng bagyo.

Nagkansela na rin ng klase ang Panabo City at Santo Tomas, Davao de Norte; Cateel, Davao Oriental; at Nabuntural, Davao de Oro ngayong araw, habang hinihintay kung wala na ring pasok bukas.

Nakataas ang Signal No. 2 sa Timog ng Surigao del Sur (Lingig, City of Bislig), Timog-Silangan ng Agusan del Sur (Trento, Santa Josefa), Hilaga ng Davao Oriental (Boston, Cateel, Baganga), at Hilagang- Silangan ng Davao de Oro (Compostela, Montevista, Monkayo, New Bataan).

Signal No. 1 naman sa natitirang bahagi ng mga lalawigan at sa Silangan ng Bukidnon (Impasug-Ong, City of Malaybalay, Cabanglasan, San Fernando, Quezon, City of Valencia, Lantapan, Maramag, Dangcagan, Kitaotao, Don Carlos, Kibawe, Damulog).