Region

USAID NAG-DONATE NG P23-M READING MATERIALS SA DEPED

/ 10 November 2022

AABOT sa $23 milyon ang halaga ng reading materials na ibinigay ng Estados Unidos sa Department of Education as pamamagitan ng US Agency for International Development.

Pinangunahan ni USAID deputy assistant Administrator Leanna Marr ang turnover ng nasabing donasyon sa DepEd sa Bicol, bilang bahagi ng pagbisita nito sa bansa at pagpapatibay ng ugnayan ng Pilipinas at US sa sektor ng edukasyon.

Kabilang sa naging aktibidad ni Marr ay ang pagbisita sa USAID-Supported Inclusive Education Community Resource Center sa Sorsogon.

Nakipagkita rin si Marr sa mga benepisyaryo ng USAID-Sponsored Programs na nakatuon sa Youth Development at Out-of-School Youth Education at Employment

Inaasahang labis na makikinabang ang kabataan at mga maralitang mag-aaral sa nasabing donasyon, gayundin ang mga nasa mahihirap na lugar.