Region

UNIVERSITY VP SUGATAN SA AMBUSH

/ 18 September 2025

SUGATAN ang vice president ng isang unibersidad  matapos na tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek kahapon ng umaga sa Zamboanga City.

Kinilala ang biktima na si Afredo Solis Eustaquio, 33, at vice president ng Universidad De Zamboanga.

Batay sa ulat ng Zamboanga PNP, naganap ang pananambang dakong alas-6 ng umaga sa Estrada Street, Barangay Tetuan.

Lulan ang biktima ng kanyang sasakyan patungo sa gym nang  pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek habang isinugod ng biktima ang sarili sa pagamutan.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.