Region

TRAINING KITS, READING MATERIALS IPINAMAHAGI SA LAGAO CENTRAL ES

/ 28 February 2021

BINIGYAN ng Department of Education ang Lagao Central Elementary School ng training kits at reading materials para sa mga estudyante ng eskuwelahan.

Ito ay sa ilalim ng Special Education Fund ng DepEd.

Tinanggap nina School Property Custodian Monheart Selarta at School English Coordinator Cathy Tejada ang English Reading Kit Level 2 at Training Kits Level 2 para sa mga guro.

Naglalaman ng  flash cards, posters, digraphs, consonant blends, homonyms, Dolch sight words, synonyms and antonyms, at reading comprehension devices ang kits.

Ayon kay School Principal Evelyn Fe Sanoria, makatutulong ito sa mga guro sa kanilang pagtuturo.

“Despite the pandemic, these materials would still be valuable to our teachers as they perform their tasks in continuing learning,” pahayag niya.

Pinasalamatan din niya ang DepEd dahil sa pag-maximize ng gamit ng SEF para makatulong sa mga guro at estudyante.