Region

TRAINING AIRCRAFT SUMABIT SA PUNO BUMAGSAK, INSTRUCTOR AT PILOT STUDENT LIGTAS

/ 18 September 2021

IPINAGPASALAMAT ng isang pilot instructor at estudyante nito na hind sila nadisgrasya makaraang bumagsak ang kanilang sinasakyang 2-seater Cessna Plane sa matubig na damuhan sa Barangay Agnaya, Plaridel, Bulacan kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nakaligtas sa sakuna na sina Capt. Paul Jimuel Gayanes, at Lebon Eisen Sandoval, kapwa 26-anyos at residente sa nasabing lalawigan.

Batay sa record ng awtoridad, alas-7:40 ng umaga nang mag-take off ang nasabing eroplano mula sa airport ng Precision Flight Control Philippines sa Brgy. Lumang Bayan sa naturang bayan.

Sinabi ni SFO3 Nelson Leoncio ng Plaridel Fire Station na alas-8:30 ng umaga ay nakatanggap sila ng tawag mula sa isang Eugenio Philip Sarmiento na residente sa lugar at iniulat ang insidente kaya nagresponde sila.

Batay sa dalawang biktima, pa-take off pa lamang ang eroplano nang sumabit sa sanga ng puno ng acacia na naging sanhi ng pagbagsak nito.