Region

TECH VOC SCHOLARSHIPS ALOK NG NUEVA VIZCAYA GOV’T

/ 30 October 2020

LIBRE na ang pag-aaral ng sinumang Novo Vizcayano na nagnanais kumuha ng mga kursong may technical-vocational certification.

Ito ay ayon sa pinakahuling anunsiyo ni Vice Governor Jose Tomas, Sr., kasama ang Technical Education and Skills Development Authority – Region 2.

Ayon kay Tomas, naglaan sila ng P4 milyong halaga ng iskolarsyip mula sa pagbabahagi ni Senador Sonny Angara.

“The initial P2 million scholarship grant fund was already downloaded to the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) in Cagayan Valley and now ready for implementation,” paliwanag ni Tomas.

Ilan sa mga kursong maaaring aplayan para sa iskolarsyip ay ang Animal (Swine) Production – National Certification II, Automotive Servicing – NC I, at Electrical Installation Management – NC II.

Nagpapasalamat si Tomas kay Sen. Angara at sa TESDA dahil ang budget ay may hatid na malaking tulong sa kaniyang mga nasasakupan.

“We are very grateful for this grant because it will help our fellow Novo Vizcayanos, especially the poor who are suffering from this pandemic,” dagdag niya.

Ang sinumang nais na magamit ang naturang serbisyo ay kailangan lamang magpasa ng application form sa tanggapan ng Nueva Viscaya. Maaari ring bisitahin ang kanilang opisyal na Facebook page para sa karagdagang impormasyon.