Region

STUDENT PILOT PATAY SA PLANE CRASH SA LA UNION

ISANG 25-anyos na student pilot ang nasawi nang bumagsak ang pinalilipad nitong training aircraft sa Brgy Wenceslao, Caba, La Union kahapon.

/ 27 May 2021

ISANG 25-anyos na student pilot ang nasawi nang bumagsak ang pinalilipad nitong training aircraft sa Brgy Wenceslao, Caba, La Union kahapon.

Kinilala ni PCol. Jonathan Calixto, Provincial Director ng La Union Police, ang biktima na si Mark Irvin Marcelo Sabile ng Paligui, Apalit, Pampanga.

Naganap ang sakuna alas-11:30 ng tanghali kahapon kung saan bumagsak sa katubigan na sakop ng nasabing lugar ang Tecnam P2010  twin engine training aircraft na may body number RP-C8230.

Ayon sa mga residente sa lugar, sa himpapawid pa lamang ay nakita nilang sumabog ang aircraft saka bumulusok sa karagatang may 300 metro ang layo sa dalampasigan.

Sa pakikipagtulungan ng Bantay Dagat, Philippine Coast Guard, Caba Police Station, Avsegroup 1, Philippine Navy Disaster Response Team, PNP  La Union Maritime  Police Station at Caba Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ay natagpuan ang labi ni Sabile.

Isinusulat ang balitang ito ay isinasalba pa ang parte ng eroplano na nasa 30 talampakan ang lalim.