SLOTS SA SCHOLARSHIP PARA SA MGA ESTUDYANTE SA NAIC, CAVITE UBOS NA
INANUNSIYO ni Naic, Cavite Mayor Junio Dualan na pansamantala nilang ititgil ang pagtang-gap ng online scholarship applications dahil sa sobrang dami ng mga nag-apply.
“Pansamantala po munang ititigil ang pagtanggap ng online scholarship applications mula sa ar-aw na ito. Ang budget po natin for scholarship ay nakalaan sa 230 college students at 150 high school students po lamang,” pahayag ni Dualan sa isang Facebook post.
Dagdag pa niya, hanggang noong Setyembre 21 ay mayroon nang 559 na nasa kolehiyo at 229 na nasa sekondaryang mga estudyante ang nagpasa ng aplikasyon.
Ayon pa sa kanya, sisiguraduhin muna ng lokal na pamahalaan na kumpleto ang isinumiteng mga dokumento ng mga applicant.
“Kasalukuyan po kaming nag-eevaluate kung sino ang mga may kumpletong requirements,” dagdag niya.
Mahigpit ang patakaran ng pamahalaang lungsod na ‘strictly online applications only at first come, first served’ ” dahil sa dami ng mga nag-aaplay.
Sinabi rin ni Dualan na agad iaanunsiyo ng lokal na pamahalaan kung magkakaroon pa ng ba-kante para sa mga estudyanteng nais pang humabol sa scholarship.
“Pansamantala lamang po ang pagpapatigil ng pagsa-submit ng online applications. Sa 559 na nag-submit, kinukuha po muna ang may mga complete requirements. Please wait for further announcements,” sabi ni Dualan.