SLOPES LUMAMBOT SA ULAN; CLASSROOMS TINAMAAN NG MUDSLIDE
BUNSOD ng matinding pag-ulan sanhi ng Habagat at low pressure area, ilang klasrum ng Quinawan Integrated School sa Bagac, Bataan ang tinamaan ng mudslide.
Batay sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, bumigay ang slope protection nito sa gilid ng kabundukan dahilan para dumausdos at pumasok ang putik sa loob ng ilang classrooms.
Agad namang nagsagawa ng assessment ang Mines and Geosciences Bureau sa paaralan at batay sa kanilang rekomendasyon ay huwag munang ipagamit ang mga silid-aralan upang maiwasan ang anumang sakuna.
Naipaalam na rin ng local government unit sa Department of Education ang naganap sa paaralan.
Dahil papalapit na ang pasukan sa Agosto 22, maghahanap na lang muna ang mga lokal na opisyal ng alternatibong lugar na maaaring pansamantalang gamitin ng mga estudyante sa nalalapit na pasukan.