Region

SK NG TUBURAN, BASILAN BUMUO NG E-LIBRARY

/ 26 November 2020

MAGAGAMIT na ang online library na binuo ng Sangguniang Kabataan ng Tuburan, Basilan para sa mga mag-aaral ngayong panahon ng pandemya.

Sa Laging Handa press conference kasama si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, ibinahagi ni Tuburan SK President Conie Iping ang kaibuturan ng kanyang inisyatiba.

Ayon kay Iping, ang proyekto ay para makaagapay sa pananaliksik, online enrollment, pagpi-print ng mga kinakailangang dokumento at babasahin, akses sa public WiFi hotspots, at iba pang serbisyong online, lakip ng paghahatid-balita tungkol sa Covid19.

“We initiated this e-library project para matulungan ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral at para rin ito sa mga nahihirapan na i-adapt ang new normal setting,” wika ni Iping.

“This is as well one of our preparations in the new normal setting considering that we are none of the far-flung places in the city,” dagdag pa niya.

Hinikayat din ng SK president ang iba pang opisyales na suportahan ang naturang aklatan, gayundin, na magdagdag ng resources para mas lumawak pa ang saklaw ng kabataang kanilang pinaglilingkuran sa panahong higit nilang kailangan ang agapay.