Region

SEVEN YOUTH LEARNERS NAPIGILAN NG MILITAR SA KILOS-PROTESTA

/ 7 November 2020

MULING nanawagan ang militar sa mga magulang na bantayang mabuti ang mga anak na estudyante.

Ito ay makaraang aminin ng pamunuan ng  5th Infantry (Star) Division Philippine Army na talamak ang pagkumbinsi sa mga kabataan at paggamit ng mga militanteng grupo upang magsagawa ng kilos-protesta.

Ibinulgar ni B/Gen. Laurence E. Mina, Commanding General ng 5th Infantry (Star) Division, na magkakaroon sana ng kilos-protesta noong Nobyembre 3, 2020 sa bayan ng Bulanao, Tabuk, Kalinga subalit napigilan nila ito.

Sa ulat, pitong kabataang mag-aaral sa hindi pinangalanang paaralan ang hinikayat ng grupong militante na magsagawa ng kilos- protesta bitbit ang mga placard sa harap ng Sanguniang panlalawigan.

Gayunman, sa maayos na pakikipag-usap ng awtoridad, ay napigilan at hindi natuloy ang planong kilos-protesta at kusang umalis ang mga raliyista sa naturang lugar.

Ito umano ang isa sa mga patunay sa nangyayaring panlalason sa murang kaisipan ng mga kabataan upang magrebelde laban sa pamahalaan at maging sa kanilang pamilya hanggang tuluyang maligaw ng landas.