SERVICE BUS NG DEPED NAHULOG SA BANGIN, 1 GURO PATAY, 25 SUGATAN
PATAY ang isa habang sugatan ang 25 sa 46 guro nang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang service bus ng Department of Education sa Orani, Bataan, Nobyembre 5.
PATAY ang isa habang sugatan ang 25 sa 46 guro nang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang service bus ng Department of Education sa Orani, Bataan, Nobyembre 5.
Sa sketchy report mula kay Bataan Police Director Police Col. Rommel Velasco, bandang alas-11 ng umaga nitong Sabado nang isang JAC Ankai Bus na may plakang SAA 9845 ang nagkaroon ng brake malfunction dahilan upang mawalan ito ng kontrol at malaglag sa bangin.
Ang kabuuang bilang ng bus passangers ay 48 kasama na ang driver at conductor.
“Lahat 48, 46 dito is mga teachers, isang driver at conductor,” ayon kay PMaj. Larry Valencia, hepe ng Orani Police.
Kinumpirma rin ni Valencia na isa sa 26 na isinugod sa Orani District Hospital ang pumanaw.
“26 ‘yung isinugod sa pagamutan dito sa Orani District Hospital. Doon sa 26, 25 nagkaroon ng minor injuries lamang at isa doon ‘yung hindi pinalad na isang casualty natin,” ayon kay Valencia.
Sa salaysay naman ni Marcelino Oliva, 62-anyos, driver ng bus, biglang nawalan siya ng preno kaya hindi na niya nakontrol ang minamaneho pagsapit sa malalim na pakurbadang bahagi ng kalsada patungo sa Pagasa, Orani kaya nahulog sa bangin.
Sinaklolohan ng Orani Rescue Unit, Metro Bataan Development Authority ang mga guro.
Nabatid na pawang galing sa Sinagtala Resort ang mga guro at nagsagawa ng mga seminar.
Pauwi na ang mga ito sa Quezon City nang maganap ang trahedya.