SEGURIDAD SA FACE-TO-FACE CLASSES TINIYAK NG CEBU POLICE
TINIYAK ng Cebu Police Provincial Office ang seguridad sa pilot implementation ng limited face-to-face classes.
Ayon sa CPPO, kasado na ang 24 oras na checkpoint, mobile at foot patrol sa mga lugar kung saan nagsimula na ang in-person classes.
Sinabi ni CPPO Director Police Colonel Engelbert Soriano na ito ay upang siguruhin ang kaligtasan ng mga estudyante at guro na dadalo sa physical classes.
Nasa 568 police personnel ang nagbabantay sa mga checkpoint.
Titiyakin ng kapulisan ang pagsunod sa pagsusuot ng face mask at pagpapatupad ng social distancing.
“For sure, the enforcement of mask use and distancing will be a concern. Security-wise, not naman… As usual naman, nothing significant, excited lang mga bata bumalik sa school,” ayon kay Soriano.
“We still want to make sure that we sustain and improve further what we have gained in our efforts against Covid19. We will also take the cue from the guidance of our governor,” dagdag pa niya.