Region

SCHOOLS SA BUNDOK SA ZAMBALES BINISITA NG DEPED OFFICIALS PARA SA PAGHAHANDA SA F2F CLASSES

/ 25 February 2021

BINISITA ng ilang opisyal ng Department of Education ang mga eskwelahan sa isla at bundok ng Zambales para sa paghahanda sa face-to-face classes oras na payagan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinangunahan ito ni DepEd Regional Director May Batenga Eclar, kasama ang iba pang mga opisyal ng kagawaran.

Nagtungo ang nga ito sa anim na eskuwelahan sa Masinloc at Sta. Cruz upang suriin ang kakayahan nilang magsagawa ng face-to-face classes.

Bagaman wala pang eksaktong petsa ang pagbubukas ng face-to-face classes, nais masiguro ni Eclar na ang 41 na eskuwelahan sa Zambales ay magkapaghahatid ng ligtas na edukasyon sa harap ng patuloy na banta ng Covid19.

Samantala, nagpasalamat si Eclar sa lokal na pamahalaan dahil sa patuloy na pagsuporta nito sa kagawaran para sa pag-aaral ng mga estudyante.

Sinabi naman ni Curriculum and Learning Management Division Chief Dr. Librada Rubio sa mga guro na maaari rin nilang gamitin ang ilang learning modalities tulad ng based-instruction, video-based lessons at digitized materials ngayong pandemya.