SCHOLARSHIP GRANT SA 16 GRADE 11 LEARNERS SA CAVITE
LABING-ANIM na Grade 11 students ang nabiyayan ng scholarship ng Noveleta Municipal Advisory Council sa Cavite kung saan ang turnover of certificates ay ginanap sa Evangelical Church sa nasabing bayan.
Bukod sa financial aid ay nakatanggap din ng limang kilong bigas ang kada estudyante.
Ang pagpili sa mga iskolar ay base sa mataas na grado sa klase na may honors sa School Year 2020-2021.
Ang 16 scholar students ay sina Rosevhelle Cruz, Patrick Kyle Japson, Emmanuel Santos, Kyle Sunga, Alfred Joshua Camato, John Coline Nimo, Trishia Labra, Christian Dave Reynon, Christian Abawag, Angelica Rodriguez, Reilanie Encarnacion, Rhe May Gicar, Erica Baluyot, Kristine Absalon, Kimberly Macapagal, at Jenron Santos.
Sa muling pagbubukas ng klase sa September 2021 ay muli silang makatatanggap ng financial assistance at ang mga incoming Grade 11 na bagong scholars.
Inaasahang magpapatuloy ang nasabing proyekto ng Noveleta Advisory Council na kinabibilangan nina MAC Chairman Rev. Ejay Grepo; Ross Calderon, pangulo ng Cavite Press Corp.; P/Major Alexis Tuazon, chief of police sa bayan ng Noveleta; Coun. Elvie Magat; Elsie Cruz; Pastor Fritz Carnaje; Danilo Israel; Kevin Llaneta; Carl Toledo Rotaract; OSCA Head Eleonor Cerezo ng Rotary Club of Magdiwang; at PB Melvin Torres.