Region

REMOTE ENROLLMENT SA ABRA TAGUMPAY

/ 30 August 2021

KUMPIYANSA ang mga guro sa An-anaao Integrated School sa Abra na matagumpay ang isinagawa nilang remote enrollment sa kanilang lugar sa layuning maipagpatuloy ang paghahatid ng edukasyon sa mga kabataan.

Ayon kay Teacher Maribel V. Teneza, epektibo ang ginawa nilang bayanihan dahil  maganda ang pagtugon ng mga magulang sa isinasagawang remote enrollment doon.

Kinilala rin ni Teacher Maribel ang pakikipagbayanihan ng mga magulang para rito.

“So far, okay po ‘yung enrollment namin. We are using online platforms to reach out to our learners. Maganda po ang feedback ng parents/guardians. In fact, ‘yung parents na may gadgets, tinutulungan po nila ‘yung ibang parents na walang gadget para mai-enroll ang mga anak nila. Parents po ang katuwang namin ngayon,” sabi ni Teacher Maribel.

Dahil sa banta ng Covid19, remote enrollment ang ipinatutupad upang masiguro na ligtas ang lahat.

Para kay Teacher Maribel, ang pagtutulungan ng mga magulang ay nagpapakita na magiging matagumpay ang pagpapatupad ng distance learning sa susunod na pasukan gaya noong nakaraang taon.

“Labis-labis po ang aming pasasalamat sa mga magulang at guardians sa kanilang magandang response po at higit sa lahat ‘yung pakikipagtulungan po during the enrollment period. Kung kami lang po na mga guro, we cannot do it alone. Sana i-extend pa nila ang tulong until matapos po ang school year at sa mga susunod pa,” dagdag pa ng guro.