RADIO-BASED INSTRUCTIONS GAGAMITIN SA ILAGAN, ISABELA
PORMAL na lumagda sa memorandum of agreement ang Schools Division Office ng Ilagan, Isabela at ang 95th Infantry Battalion ng Philippine Army para sa pagtutulungan sa paghahatid ng DepEd radio-based instructions sa buong bayan ng San Mariano.
Ayon kay DepEd Isabela Superintendent Madelyn Macaling, radio-based instruction ang pangunahing modalidad na uutilisahin ng lalawigan sa pagdadala ng mga aralin sa bawat kabahayan sa Isabela.
Ito umano ang pinakaepektibong paraan para makapagpatuloy sa pag-aaral ang mga naninirahan sa malalayong lugar na hindi naaabot ng internet.
“We expressed our sincerest gratitude to the leadership of Salaknib Battalion for accommodating our teacher broadcasters of the municipality in the implementation of blended learning modality using radio to facilitate teaching and learning especially in the remote areas,” wika ni Macaling.
Si 95th IB Commander Lt. Col. Gladiuz Calilan ang naging kinatawan ng batalyon sa naturang MoA signing. Sinabi niyang tungkulin ng sandatahang panatilihin ang kapayapaan sa lugar at ang pag-agapay sa sektor ng edukasyon hanggang kinakailangan.
“Our army is your army and the Salaknib Battalion is your station. We are workers for the civilians especially in the remote areas,” wika ni Calilan.