Region

QUEZON ISLAND NAGSUSPINDE NG KLASE DAHIL SA SAMA NG PANAHON

/ 28 February 2023

SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa islang bayan ng Polillo sa lalawigan ng Quezon noong Lunes, Pebrero 27, dahil sa sama ng panahon.

Sa isang anunsiyo, sinabi ni Mayor Angelique Bosque na ang pagsususpinde ng klase ay isang hakbang sa pag-iingat upang mapanatiling ligtas ang mga estudyante.

Batay sa 4 a.m. weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, posibleng makaranas ng pagbaha o pagguho ng lupa ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora, at Quezon dahil sa katamtaman o malakas na pag-ulan bunsod ng northeast monsoon.

Ang Polillo at dalawa pang munisipalidad – Panukulan at Burdeos – ay nasa Polillo Island sa labas ng Lamon Bay na nakaharap sa Karagatang Pasipiko.

Ang dalawa pang bayan at ang mga kalapit na munisipalidad ng isla ng Jomalig at Patnanungan ay hindi pa nagkakansela ng klase sa mga paaralan sa kani-kanilang lokalidad.