QC GOVERNMENT NAMAHAGI NG SCHOOL SUPPLIES
NAMAHAGI ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng school supplies sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 sa mga pampublikong paaralan.
Ayon sa Facebook page ng QC, umabot sa 254,707 learninig kits ang kanilang binili upang magamit ng mga mag-aaral nito sa distance learning.
Laman ng learning kits ang mga lapis, ballpen, crayons, gunting, notebook, notepad at iba pang gamit pang-eskuwela.
Una nang nakatanggap ng nasabing learning kits ang mga magulang ng Grade 2 pupils ng Commonwealth Elementary School.
Samantala, sinaluduhan ng pamahalaang lungsod, sa pangunguna ng alkalde nitong si Joy Belmonte, ang mga guro at mga magulang sa kanilang pagsuporta sa pag-aaral ng kanilang mga anak sa gitna ng Covid19 pandemic.
“Saludo kami sa mga guro at mga magulang na patuloy na nagbibigay suporta sa ating mga mag-aaral. Tuloy ang pag-aaral sa Quezon City kahit sa gitna ng pandemya!” pahayag ng QC government sa kanyangFacebook page.
Nagbukas ang klase sa mga pampublikong paaralan mula Elementarya hanggang Senior High School sa bansa noong Oktubre 5, 2020, gamit ang distance learning.