Region

PUMPING STATION ITATAYO SA LOOB NG ISKUL SA CAINTA

/ 19 January 2024

MAGLALAGAY ng pumping station sa loob ng isang eskwelahan sa Cainta, Rizal para masolusyunan ang problema sa pagbaha sa naturang lugar.

“Bumabaha lagi ang Planters Elementary School kasi mababa ang lugar nila sa floodway. Pinabakbak ko na ang kalye para maglatag ng reinforced concrete pipes deretso sa floodway outlet,”sabi ni Cainta municipal administrator Keith Nieto.

“Magkakaroon ito ng pump station located sa loob ng school para maitulak ang tubig ulan palabas ng ilog,” dagdag pa ng opisyal.

Samantala, pinaayos naman ng lokal na pamahalaan ang bakod at gate ng Karangalan Elementary School para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

“Puwede bang mapag-iwanan ang Karangalan Elementary School. Eto, katatapos lang palitan ang kinalawang nilang bakod at gate. Pinaayos ko na rin ang sidewalk para ligtas ang mga batang gagamit nito,” ani Nieto.

“Nag-mobilize na rin ang grupong magtatayo ng airconditioned auditorium sa loob ng compound,” dagdag pa ng opisyal.