PULIS NA NASA SCHOOLING PATAY SA COVID19
ISANG pulis na may ranggong tinyente at kalahok sa immersion o pag-aaral para sa Investigation Officers Basic Course ang nasawi sa Covid19.
Ayon kay Philippine National Police Chief, Gen. Guillermo Eleazar, ang biktima na ika-75 sa mga namatay sa Covid19 sa police force ay isang 48-anyos at naka-assign sa Southern Leyte.
“Based on the report submitted to me by the Health Service, said officer manifested flu-like symptoms on June 23 while undergoing community immersion for the Investigation Officers Basic Course and was immediately brought to a nearby hospital. He was swabbed on June 27 which yielded positive result,” ayon kay Eleazar.
Sinabi pa ng PNP chief na ililipat sana ng ospital si Patient No. 75 ng kanyang pamilya sa Tacloban City o sa Ormoc subalit pawang puno na ang mga pagamutan doon kay nanatili ito kung saan naka-confine.
Hunyo 30 ay lumala ang sakit ng biktima hanggang sa ideklarang patay ng mga doktor dahil sa severe pneumonia.
Nakikiramay si Eleazar at ang buong PNP sa pagpanaw ng biktima.