Region

PRINTING MACHINES TINANGGAP NG DEPED ROMBLON MULA SA ABS-CBN LINGKOD KAPAMILYA

/ 15 January 2021

MAS MAPABIBILIS na ang pag-iimprenta ng modules ng mga mag-aaral sa Romblon.

Tinanggap ng Department of Education Schools Division Office ng Romblon ang set ng printing machines mula sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation noong Enero 13.

Ang pitong copier machines, pitong cartridge toner, pitong drum, at 140 reams ng bond paper ay lakip sa donasyon ng ABS-CBN na taos-pusong tinanggap ni SDO Superintendent Dr. Maria Luisa Servando.

Bahagi ito ng Corporate Social Responsbility Project ng Kapamilya Network na tinawag na ‘Gusto Kong Mag-aral Project’.

Ayon kay Servando, swak na swak ang printing machines upang lalo pang maisulong ang mga layon ng Basic Education Learning Continuity Plan ng Romblon ngayong panahon ng Covid19.

Mas maraming self-learning modules ang kailangan sa pagpasok ng 2021 at sa mga susunod pang taon, kaya malaking tulong ang handog ng Lingkod Kapamilya.

Dagdag pa, kung wala pang bakuna at patuloy ang pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa virus ay malabong bumalik sa tradisyonal na face-to-face instruction.

Ibig sabihin, patuloy na maglilimbag ng mga materyal at ide-deliver sa bahay ng mga mag- aaral. Mas maraming makina ang kailangan para rito sa hinaharap.