PODCASTS PARA SA DISTANCE LEARNING UMARANGKADA SA CAGAYAN
SINIMULAN ng ilang guro sa Department of Education Schools Division Office of Cagayan ang podcasts para magamit ng mga estudyante sa distance learning.
Ayon kay Chelo Tangan, assistant schools division superintendent, naisip niya ito dahil malaking tulong din sa kanya ang pakikinig ng mga podcast.
“Sabi ko, bakit hindi puwedeng gamitin ito sa pag-aaral, sa modalities? So I went immediately to our schools division superintendent and I proposed [this] to him,” sabi ni Tangan.
Agad namang pumayag ang kanialng superintendent.
Sinimulan ng isang pangkat ng mga guro na lumikha ng isang sample ng podcast na idinisenyo para sa mga estudyante.
Ito ay tinawag na ‘Project Podcast Alternative Learning Modality’ o Project PALM, isang pangalan na nangangahulugang “ang pag-aaral ay nasa mga palad ng mga mag-aaral.”
Sinabi ni Project PALM Head Franklin Castillejo na ang mga guro ay dumaan sa tatlong hakbang sa paglikha ng mga podcast: pre-production, production, at post-production, kung saan kabilang dito ang scriptwriting upang mailahad nang tama ang mga aralin sa mga estudyante.