PNP, UPLB SANIB-PWERSA SA PEACE AND SECURITY INITIATIVES
NAGKASUNDO ang Philippine National Police at ang University of the Philippines-Los Baños para sa isang Joint Peace and Security Initiative.
Ang kasunduan ay nabuo sa pagpupulong kahapon ng mga opisyal ng UPLB, sa pangunguna ni Chancellor Dr. Jose V Camacho Jr., at ng mga opisyal ng Laguna Police Provincial Office na pinamumunuan ni Provincial Director Police Colonel Serafin F Petalio II.
Dito’y bumuo ng isang technical working group para sa paglulunsad ng “UPLB Ko, Bantay Ko” program na sisimulan sa susunod na buwan.
Layon ng programa na isulong ang kooperasyon sa pagitan ng PNP at ng UPLB community laban sa mga kriminal na aktibidad, sindikato ng droga, at mga grupo na sumusuporta sa Local Communist Armed Conflict.
Tiniyak ng PNP na itataguyod nila ang “academic freedom” na ginagarantiyahan ng Konstitusyon.
Magugunitang naging mainit na usapin ang umano’y pagsupil sa ‘academic freedom’
makaraang ibasura ang kasunduan ng DND at ng UP na nagbabawal sa pagpasok ng mga pulis at militar sa unibersidad nang walang paalam.