Region

PNP NAGSAGAWA NG FEEDING PROGRAM SA MGA BATANG AETA

/ 14 May 2021

NAGPAABOT ng tulong ang Philippine National Police sa Bataan sa mga batang Aeta na nakararanas ng malnutrisyon.

Naglunsad ang PNP ng feeding program para sa mga katutubo bilang bahagi ng ‘Barangayanihan’ program.

Sinabi ni Lt. Col. Galahad Taqueban, pinuno ng Second Mobile Force Company ng Bataan PNP, na isinusulong ng programa na mapatatag ang relasyon sa pagitan ng PNP at ng komunidad ng mga katutubo sa gitna ng pandemya.

“It is also an opportunity to create the perception that we are empowering the basic unit governance — barangay,” pahayag niya.

Dagdag pa niya, ang naturang programa ay nagpapaigting sa ‘bayanihan spirit’.

“This activity was launched to help the community who are greatly affected by the Covid19 and extend bayanihan spirit within the community,” dagdag ni Taqueban.