Region

PMA ALUMNI ACHIEVERS PINARANGALAN SA ANNUAL HOMECOMING 

/ 13 February 2021

BAGUIO CITY — Ilang natatanging opisyal at dating pinuno ng iba’t organisasyon ang pinarangalan ng Philippine Military Academy Alumni Association Inc kahapon.

Kasabay ng 2021 PMA Alumni Homecoming ang paggawad ng Outstanding Achievement Award ng PMAAAI kina dating Philippine National  Police Chief, Ret. Gen. Camilo Pancratius Cascolan at dating Armed Forces of the Philippines Chief of Staff, Gen. Gilbert Gapay, kapwa miyembro ng PMA Sinagtala Class of 1986.

May award din ang mag-mistah na sina PNP Chief Gen. Debold Sinas at AFP Chief of Staff, Gen. Cirilito Sobejana, kapwa mula sa PMA Sinagtala Class of 1987.

Batay sa imbitasyon na natanggap ng mga awardee mula kay dating PNP Chief at PMAAAI Chairman and CEO Cavalier Edgar Aglipay, kinilala nila ang dedikasyon, ideyalismo at kontribusyon ng mga awardee at narating ang pinakamataas na posisyon sa pinaglingkuran.

Kasama rin sa mga pinarangalan sina Navy Chief, Vice Admiral Giovanni Bacordo, Class ’87; dating Army Chief, Gen. Macairog Alberto, Class ’86, na ngayon ay Ambassador to Israel: TESDA Director Isidro Lapena, Class ’73; at PCG Commandant Adm George Ursabia.

Kabilang naman sa tatanggap ng Lifetime Achievement Award sina Environment Secretary Roy Cimatu; LTO Chief, ASec Edgar Galvante; at Ret. Gen. Hermogenes Ebdane Jr.

Ang parangal ng PMAAAI ay nangangahulugan na nagamit nang gusto ng mga awardee ang kanilang natutunan sa akademya.

Ayon kay PMA Spokesperson Maj. Cheryl Tindog, ngayong araw, Pebrero 13, ang main event na PMA Alumni Homecoming Parade kung saan kikilalanin ang mga Cavalier Awardee, kabilang sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Vaccine Czar Carlito Galvez, DSWD Sec. Rolando Bautista, Pangasinan Mayor Leopoldo Bataoil, at Sobejana sa  Borromeo Field, Fort Del Pilar.

Ang taunang PMA Alumni Homecoming ay isinagawa sa anyo ng hybrid o nasa 30 percent lang ang face-to-face attendance at ang 70 percent ay via Zoom.