Region

PJC NAMAHAGI NG PAMASKO SA LEARNERS NG TANAUAN, LEYTE

/ 1 January 2021

NAMIGAY ng mga munting regalo ang Philippine Junior Jaycees sa mga batang mag-aaral ng Tanauan, Leyte noong Martes, Disyembre 29.

Bahagi ito ng kanilang programang ‘Bigay Saya sa Pasko’ na naglalayong panatilihin ang sayang  hatid ng pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Filipinas kahit na may  krisis pangkalusugang dala ng Covid19.

Ang bawat regalo ay naglalaman ng school supplies at mga pagkaing sapat sa 40 kabataang naninirahan sa Sitio Lay-ahan, Cogon Village.

Ayon kay JJC President Eugie Cinco, tuloy pa rin ang Pasko kahit na may pandemya. Ang Pasko ay tanda ng bagong pag-asa at pagkabuhay ng mga nangamatay na damdamin ng mga Filipino kaya kahit sa munting paraan ay nais nilang ibalik at ibigay ang saya sa bawat bayan, partikular sa mga bata.

“It’s already a culture for us to share simple gifts of happiness during this year’s most wonderful time and it is not only our chapter who implements this kind of outreach programs. Other Jaycees across the country are also out there uplifting their moral obligations in extending help to their respective communities,” wika ni Cinco sa isang panayam.

Bukod dito’y nagkaroon ng kaunting palaro na may papremyo ang JJC kung saan kitang-kita sa mukha ng mga bata at mga magulang ang saya ng Pasko kahit sa maikling oras lamang.

Pinasalamatan ni Cinco ang mga miyembro at ang mga indibidwal na tumulong para maisakatuparan ang nasabing proyekto, pati yaong mga boluntaryong nag-organisa ng munting selebrasyon.

“As a non-profit organization, we are thankful and lucky that we are not alone in this journey. As one of the country’s youth pioneers for change, we believe that service to humanity is the best work of life and this project is one of our avenues to inspire people, shed joy and hope for children, elderlies, and the marginalized sector.”