Region

‘PHONE-IBIG” HANDOG SA LANTON ELEM SCHOOL LEARNERS

/ 23 February 2021

INILUNSAD  ng Lanton Elementary School sa General Santos City ang programang ‘Handog Phone-Ibig Alay sa Batang Masigasig’ na naglalayong ipadama ang pagmamahal sa mga mag-aaral na mahirap maabot o matawagan ng mga guro.

Sa ilalim ng programa, lumikom at namahagi ang eskwelahan ng mga cellphone sa mga mag-aaral.

Aabot sa 50 cellphone ang nalikom ng paaralan at nasa 35 na ang naipamahagi nito.

Ayon kay Lanton ES Principal I Liberine Salvadico, ipinakikita ng programang ito ang tunay na kahulugan ng pagmamahal sa komunidad.

Dagdag pa niya, layon din ng programa na mapadali ang komunikasyon ng mga guro at estudyante, lalo na sa distance learning.

“We are hitting many objectives here. We are not only celebrating love and kindness to our learners, but developing a stronger connection among them by providing phones so that they can stay connected with their teachers with regards to their lessons. Also, we are showing and teaching the community the deeper meaning of love,” sabi pa niya.