Region

PEACE BUILDING AND YOUTH LEADERSHIP SUMMIT DINALUHAN NG SK MEMBERS SA LA UNION

/ 23 August 2021

LIMAMPUNG mag-aaral na miyembro ng Sangguniang Kabataan ang dumalo sa Peace-Building  and Provincial Youth Summit na itinaguyod ng 81st Infantry Battalion, Philippine Army katuwang ang  provincial government sa San Luis, Del Mar, Brgy. Baccuit Norte, Bawang, La Union noong Agosto 19.

Layon ng summit na may temang “Strengthening and Capacitating the Youth in Advocating Peace and Development as Future Leaders in their Generation” na mailayo sa panghihiyakayat ng mga makakaliwang grupo gaya ng New People’s Army ang mga kabataan.

Ayon kay Lt. Col Rodrigo A. Mariñas, JR INF (GSC), Commanding Officer ng 81IB PA, kabilang sa itinuro sa mga kabataan ang Drug Addiction Awareness; Role of the Youth in Nation-building; Kabataan Kontra sa Droga at Terorismo; Orientation on the Recruitment of the Communist Terrorist Groups among the Youth and Student Sector; at Values Formation.

Ilang rebel returnees din ang nagsalita at nagbigay ng testimonya kung gaano kahirap ang buhay sa sinamahan nilang organisasyon na bandang huli ay naunawaan nilang nalinlang lamang sila sa pagsama sa komunismo.

Dagdag pa ni Mariñas na mahalagang mailayo ang kabataan sa panlilinlang ng mga makakaliwang grupo at makabubuting ituro na lamang sa kanila ang pagsusulong sa kapayapaan na huhulma sa kanila para maging lider sa mga susunod na henerasyon.

“The youth, indeed, has a lot to do for the betterment of our future. Let us invest more in empowering and motivating them in doing their share for nation-building. Thus, this activity is the contribution of the Philippine Army, together with other government agencies, in preparing our youth to be the agents of change and advocates of peace and progress for the sake of our nation, ” ayon pa kay Mariñas.

Binigyang-diin naman ni Maj. Gen. Alfredo V. Rosario Jr., Commander of the 7th Infantry (Kaugnay) Division, ang kahalagahan ng pagkilala sa kakayahan ng mga kabataan na mas mapalalakas pa kapag nabigyan ng tamang impormasyon.