Region

#PASKONGTOMASINO: SANTO TOMAS DAVAO DEL NORTE GOV’T NAMAHAGI NG BIGAS SA MGA GURO

/ 30 December 2020

PINANGUNAHAN ni Santo Tomas Davao Del Norte Mayor Ernesto Evangelista ang pamamahagi ng mga kaban ng bigas sa mga guro at mga kawani ng sektor ng edukasyon bilang regalo ngayong Kapaskuhan.

“We are distributing sacks of rice to our teachers as part of our annual gift-giving to our teachers who are also in the frontline of battling the Covid19. This is just a small token of appreciation for their efforts to educate our Tomasino schoolchildren amid the health crisis we are facing,” sabi ni Evangelista.

Tiniyak ng pamahalaan na ang lahat ng mga guro’t kawani, sa pampubliko man o pampribadong paaralan, ay makatatanggap ng naturang regalo.

Sa pinakahuling ulat ng Municipal Information Office ay nasa higit sanlibo na ang kanilang naipamahaging kaban. Ang bawat isa’y nakatanggap ng tig-25 kilo ng bigas.

Kaalinsabay nito’y nagpasalamat si Evangelista sa patuloy na pagsasakripisyo at pagtuturo ng mga guro sa panahon ng pandemya. Gaya ng mga hospital frontliner ay bayani rin sila ng kasalukuyan sapagkat tinitiyak ng mga guro na ang mga estudyante ay patuloy na nag-aaral kahit nasa kani-kanilang tahanan.

Siniguro rin niyang ginagawan ng paraan ng pamahalaan na maibigay ang lahat ng pangangailangan ng Santo Tomas sa larangan ng edukasyon, higit sa usapin ng rekurso, pag- iimprenta ng mga module, at iba pa.

“We will do our part in helping the education sector battle Covid19,” pangako ni Evangelista.