Region

PANINIPA SA ESTUDYANTE INIIMBESTIGAHAN NG DEPED-7

SINISIYASAT na ng Department of Education sa Central Visayas ang isang insidente ng paninipa sa isang estudyante na kumakalat sa social media.

/ 24 February 2024

SINISIYASAT na ng Department of Education sa Central Visayas ang isang insidente ng paninipa sa isang estudyante na kumakalat sa social media.

Ibinahagi ng isang netizen ang video ng isang lalaking estudyante na pinagagalitan ng isang lalaking guro.

Sa video, makikitang sinisipa at pinagagalitan ng guro ang estudyante.

Ang insidente ay naiulat na nangyari sa Don Sergio Osmeña Memorial National High School noong Pebrero 16.

Ayon kay DepEd Central Visayas Director Salustiano Jimenez, inaaksiyunan na ng Cebu City Division legal department ang nasabing incidente.

“I already instructed the division to conduct an investigation,” ani Jimenez.

Maaari aniyang maharap sa kasong administratibo ang guro at mawalan ng lisensiya.

“Corporal punishment is really a no-no stand for DepEd. We always emphasize positive discipline. We have to correct not by force or physical punishment but in another form,” dagdag pa ni Jimenez.