Region

PAGPAPAUNLAD NG EDUKASYON TUTUTUKAN NG SK MARINDUQUE

/ 26 January 2021

INIULAT ni Sangguniang Kabataan Marinduque president Ethan Valdez na nakatutok ang kanilang rehimen sa pagpapaunlad ng edukasyon sa bayan ng Mogpog dahil maraming kabataan doon ang nangangailangan ng tulong para makapagpatuloy ng pag-aaral sa panahon ng pandemya.

Ayon kay Valdez, nakasentro ang programa ng SK sa pamamahagi ng mga school supply, pag- aalalay sa wifi network at mobile internet, delivery ng self-learning modules, at iba pa.

“Ngayong taon ay nakasentro po ang aming mga programa sa edukasyon. Nakahanda na po kami para magbigay ng school supplies sa mga secondary level. Nakatakda na rin po naming ipamahagi ang mga internet modem sa mga barangay na mahina ang data connection para makapag-aral [nang] maayos ang ating mga kapwa kabataan.”

Ito ang sektor na pinili nilang tutukan bunga ng samu’t saring mensaheng kanilang natatanggap ngayong panahon ng pandemya.

Para naman magkaroon ng kaayusan sa mga proyekto, sila’y nakikipag-ugnayan sa hanay ng mga opisyal ng barangay at pinuno ng lokal na pamahalaan.

“Nakikipag-coordinate po kami sa opisina ni Mayor, gayundin sa bawat departamento ng aming lokal na pamahalaan para magkaroon kami ng ideya sa kung ano pa ang puwede naming maitulong sa mga kabataan  higit sa mga frontliner,” dagdag ni Valdez.

Bukod dito ay naglaan pa sila ng pondo para sa pamimigay ng face shields sa health workers ng Mogpog.

Sa pagpasok ng 2021, tinitiyak niyang magpapatuloy ang magandang simulain at mas maraming kabataan pa ang target nilang matulungan.