Region

PAGLILINGKOD SA MGA KABATAAN NG SK SULTAN KUDARAT TULOY

/ 17 January 2021

MAS KAILANGAN ng kabataan ang tulong ng pamahalaan sa panahon ng krisis at pandemya.

Ito ang pinaniniwalaan ng Sangguniang Kabataan ng Columbio sa Sultan Kudarat habang patuloy na naglilingkod sa mga kapwa kabataan sa gitna ng panganib na hatid ng Covid19.

Naglunsad ng samu’t saring programa ang SK Columbio Federation sa pamumuno ng presidente nito na si Harley Davidson upang matugunan ang pangangailangan ng mga nasasakupan kaugnay sa mental health, online classes, teenage pregnancy, pati rekurso sa araw-araw na pamumuhay.

“We had a trainer’s training for adolescents in preparation for the establishment of our adolescents’ center in our barangay. We held an outreach program in remote areas of the municipality to spread awareness on the consequences of early marriage and teenage pregnancy.”

“We distributed online kits for students enrolled in online classes. In the early quarter of 2020, we had a career guidance project where we helped students to choose the appropriate course for them and we also gave out information for late enrollees so they can go back to school.”

“We gave face masks and alcohol to our constituents in our municipality. We had a training on making face shields for our residents and a workshop on making face masks,” pagmamalaki ni Davidson sa mga inisyatibang pinaglagakan ng P100,000 Covid fund ng SK mula sa barangay council.

Bukod dito’y pinasinayaan nila ang Lingkod Kabataan Program kaakibat ang pamimigay ng multivitamins, libreng gupit, information caravan tungkol sa Covid19, dengue, leptospirosis, at iba pa.