Region

PAGBAWI SA SUSPENSIYON NG KLASE SA CAGAYAN INALMAHAN

/ 14 October 2021

PINALAGAN ng ilang magulang at netizens ang desisyon ni Cagayan Governmor Manuel Mamba na bawiin ang suspensiyon ng klase sa  probinsya, Miyerkoles, Oktubre 13.

Ito’y bunsod ng unti-unting pagganda ng panahon at paghupa ng baha, ayon sa pahayag ng Cagayan Provincial Information Office.

Matatandaang sinuspinde ng gobernador ang klase sa probinsya noong Lunes dahil sa banta ng bagyong Maring.

“Some areas po are still flooded and ‘yung iba wala pang koryente tas mahina pa ‘yung signal. Nasa Online Class Set-up po tayo ngayon, just in case nakalimutan niyo po. Having a comfortable place, good internet connection, and electricity po are our main na gamit sa ganitong set-up,” sabi ng isang netizen sa comment section ng pahayag ng CPIO.

“Up until now wala pa pong supply ng koryente sa ibang lugar at lubog pa rin ho. ‘Yung iba po humupa na kaso maglilinis pa po sila. Sana man lang ho nagbigay kayo ng allowance (day) para po sana for the cleaning and recovery ng mga nasantala,” dagdag pa ng isa.

Samantala, patuloy naman ang pagbibigay ng suporta ng pamahalaan para sa mga naapektuhan ng bagyo.