Region

P8 MILYONG HALAGA NG EQUIPMENT DONASYON NG MATI GOV’T SA DEPED

/ 19 November 2020

NAG-DONATE ng P8 milyong halaga ng kagamitang pampagtuturo at pampag-aaral ang lungsod ng Mati, Davao Oriental sa Department of Education bilang tulong sa pagpapabilis ng produksiyon ng self-learning modules.

Ito ay ayon sa pahayag ni Mati City Information Officer Ben Jason Tesiorna, Martes, Nobyembre 17.

Ayon kay Tersiona, ang halaga ay mula sa Special Education Fund ng lungsod – alay sa Schools Division Office ng Mati.

“You know I’m not into ceremonies; that is not my style. I want urgent action. If you ask me, then I will give because that’s my job as your city mayor,” pahayag ni Mayor Michelle Rabat sa isang panayam.

Pinasalamatan niya rin ang mga guro sa pagiging masigasig alang-alang sa kapakanan ng mga estudyante, sapagkat kahit na may pandemya ay hindi dapat itigil ang pag-aaral lalo pa’t ito ang natatanging kayamanang hindi mananakaw ninuman.

“With the new normal, I know how challenging it is for all of you. I thank you all for adjusting, innovating, and adapting to this new normal for our children because, after all, we should not sacrifice education,” wika niya.

Ayon kay Rabat, malaking hamon ang Covid19 sa sektor ng edukasyon, magkagayo’y pagsusumikapan niya at ng kaniyang pamunuan na makatulong nang mas marami pa.