P5.7-M LEARNING MATERIALS IPINAGKALOOB NG DAVAO ORIENTAL GOV’T SA DEPED
NAG-DONATE ng P5.7 milyong halaga ng learning materials at equipment ang Pamahalaang Panlalawigan ng Davao Oriental sa Department of Education.
Kabilang sa donasyon ang 17 makinang duplicator, 9,322 reams ng A4 bond papers, 1,275 bote ng printer ink, at 510 piraso ng master pens.
Ipamamahagi ito sa 17 distrito ng Schools Division Office ng Davao Oriental bilang pakikiisa ng LGU sa Basic Education Learning Continuity Plan.
“We acknowledge our key role to keep teachers, students, and other members of the academic community on track. We will continue to level up our efforts to coordinate with DepEd in providing what is needed to ensure that no learner is left behind,” wika ni Governor Nelson Dayanghirang.
Ayon kay Dayanghirang, kinikilala ng pamahalaan na napakahalagang makapagpatuloy sa pag-aaral ang mga Davaoeno kahit na may pandemya.
“Ang talino ang magsisilbi nilang pananggalang upang matiwasay at masaganang mamuhay sa nalalapit na hinaharap,” ayon sa gobernador.
Labis naman ang pasasalamat ni SDO Superintendent Reynaldo Mellorida sa inisyatiba ni Dayanghirang.
Sa katunaya’y napakarami umano ng pangangailangan ng DepEd, lalo na sa panahon ng pandemya at minsa’y hindi na sila magkamayaw sa pagtugon sa kakulangan sa learning materials ngayong taon at sa mga susunod pa.