Region

P30K COMPUTER LOAN SA GSIS MEMBERS SA NEGROS OCCIDENTAL

/ 26 November 2020

BINUKSAN na ng Government Service Insurance System sa Negros Occidental ang computer o laptop loan sa mga miyembro nitong nangangailangan ng equipment para sa work-from-home at online classes.

Ayon kay GSIS Negros Occidental Information Officer Rhandale Alojado, ang Computer Loan Program ay inilunsad ng ahensya para makatulong sa pamilya ng mga miyembrong nais makabili ng gadget na ginagamit ng mga anak para makadalo sa online classes at para rin sa mga nagtatrabaho sa bahay sa panahon ng pandemya.

Hanggang P30,000 ang maaaring utangin ng mga kwalipikadong miyembro na pwedeng bayaran kada buwan sa halagang P983.33. Mayroon itong 6 porsiyentong taunang interes sa loob ng tatlong taon.

Lahat ng bayarin ay iaawas sa buwanang sahod kaya wala na rin umanong dapat pang alalahanin.

Gayundin, kung nakabili na ng computer o laptop ay pwede pa ring mag-apply ng loan. Kailangan lamang ideklara ang buong detalye nito – modelo, petsa ng pagbili – sa dokumentong isusumite sa GSIS.

“Even members who have already purchased a computer before the program was launched may apply for the loan. They just need to declare to the GSIS coordinator in their office Agency Authorized Officer the type of computer they purchased,” wika ni Alojado.

Paalala ni Alojado, ang mga mag-aaplay ay dapat pa ring magkaroon ng net take-home pay na hindi bababa sa mandato ng General Appropriations Act matapos maibawas ang buwanang bayarin. Sila rin ay dapat na hindi napasailalim sa mga ahensyang suspendido ng pamahalaan.

Kung interesado sa CLP, magpadala lamang ng mensahe sa gsis [email protected] o tumawag sa 4440982 at sa 7041832.