Region

P20K AYUDA SA 19  PANG OFW TEACHERS SA VISAYAS

/ 4 February 2021

LABINSIYAM pang OFW teachers ang nakatanggap ng P20,000 cash assistance mula sa National Reintegration Center for Overseas Filipino Workers Region 7 sa pagpasok ng 2021.

Bahagi ito ng programang ‘Sa Pinas, Ikaw ang Ma’am/Sir’ na nauna nang nakatulong sa 55 OFW teachers noong 2020.

Ang halaga’y  kasama sa teaching kits at instructional materials ng mga OFW na kwalipikado sa Teacher 1 plantilla position ng Department of Education, ayon kay Department of Labor and Employment Regional Communication Officer Luchel Sernarlo-Taniza.

Paliwanag ni NRCO Region 7 Coordinator Dexter Paro, minabuti nilang mamigay ng pinansiyal na tulong alinsunod sa Proclamation 929 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdedeklara ng state of calamity sa buong Filipinas dulot ng pandemya.

Ayon kay Paro, ang 19 na OFW teachers ay mula sa Cebu City (4), Toledo City (3), Talisay City (2), Lapulapu City (2), Mandaue City (1), at sa iba pang munisipalidad sa Cebu (7).

Para hindi na magkaroon ng panganib na mahawahan ng Covid19 ay wala nang anumang seremonya sa pagbibigay ng tseke sa mga benepisyaryo, gaya ng nangyari noong 2020.

“What we did last year at the height of the pandemic was we transferred the P20,000 to each of the beneficiaries’ personal bank accounts. There were no awarding ceremonies conducted due to the restrictions and quarantine protocols that we had to abide by.”

Samantala, binati ni DOLE Region 7 Director Salome Siaton ang mga naging bahagi ng SPIMS.

“Congratulations to our new public-school teachers! Please know that the government through the NRCO, [Overseas Workers Welfare Administration], DOLE and other partner-agencies recognize your hardships and sacrifices by providing you gainful employment in the country. We do hope that the financial assistance extended to you for your teaching kits will help you brightly kick start your teaching profession in the public schools.”

Ang SPIMS ay programang pinangungunahan ng OWWA-NRCO, DOLE, DepEd, at Philippine Normal University.