Region

ONLINE WRITESHOP SA MGA GURO SA REGION 13 AARANGKADA

/ 13 September 2020

INATASAN ng Department of Education Caraga o Region 13 ang mga guro sa nasabing lalawigan na sumailalim sa online writeshop at makibahagi sa learning activity para sa mga subject na English, Science at Mathematics.

Ang Regional Memorandum No. 387 series 2020 ay naka-address sa Schools Division Superintendents at  Division Multigrade Coordinators sa Agusan del Sur at Surigao del Norte.

Layon ng online writeshop at learning activities para sa nasabing mga subject na mapahusay ang kaalaman sa pagtuturo na bahagi naman ng Basic Education Learning Continuity Plan.

Ang nasabing proyekto para sa guro ay isinulong ng United States Peace Corps, katuwang ang Bureau of Learning Delivery-Teaching and Learning Division.

Walong araw kukumpletuhin ang writeshop na may dalawang bahagi na nagsimula noong Setyembre 9 hanggang 11 at Setyembre 14 hanggang 18.

Ang mga gurong kalahok ay pawang nagtuturo mula Grade 2 hanggang Grade 6.

Ang naturang writeshop ay bahagi pa rin ng paghahanda ng DepEd para sa October 5 class opening.