‘ONLINE SI DOK’ PROGRAM PARA SA BACOOR TEACHERS INILUNSAD
INILUNSAD ng City Schools Division ng Bacoor, Cavite ang programang ‘Online si Dok’ bilang suporta sa hakbangin ng Inter-Agency Task Force at ng Department of Education laban sa Covid19.
Ang programang ito ay naglalayong maghatid ng ‘telemedicine’ sa mga guro at mag-aaral na Bacooreño.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno nina SDS Editha Atendido at OIC-ASDS Dr. Lerma Flandez at sa pamamagitan ng SGOD-School Health and Nutrition Unit na pinangungunahan nina SGOD Chief Dr. Cesar Mojica, Dr. Ceasar Pajuyo at Dr. Gracean Belostrino.
Upang makapagpakonsulta gamit ang ‘Online si Dok’ ay kailangang i-scan ang QR code sa online poster ng program o kaya ay i-click ang link na ito: http://bit.ly/DepEdBacoor_OnlineSiDok.
Dadalhin ka ng link/QR code na ito sa Online Consultation Form. Sagutin ang mga tanong sa form. Hintayin ang rekomendasyon ng doktor na ipadadala sa email address na isinagot sa Online Consultation Form.
Maaari ring magpadala ng imbitasyon para sa online video consultation ang online doctors depende sa pangangailangan ng pasyente.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin lamang ang https://bit.ly/35w1GKh.