Region

ONLINE KITS SA COLLEGE STUDENTS SA LIAN, BATANGAS

/ 2 October 2020

MAMAMAHAGI ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Bungahan sa Lian, Batangas ng

online kits para sa mga estudyante sa kolehiyo ngayong linggo.

Ayon sa Facebook post ng SK, naglalaman ng OTG flashdrive, earphones, LED USB light, powerbank at SK Load Voucher ang College Online Kit.

Sa isang panayam ng The POST kay SK Chairman Aldrin Acosta, sa ngayon ay nasa 85 college students ang mabibigyan ng online kits at posibleng madagdagan ito ng 40 na nag-register para makakuha ng online kits.

Ayon kay Acosta, nang magsimula ang pandemya, ay nagsimula ring mamahagi ang SK ng load assistance, bond papers at printers, at nagkaloob ng libreng pa-print para sa lahat ng estudyante, kasama ang modules, at iba pang school at work-related papers.

Samantala, bago pa man pumutok ang pandemya ay may mga  ipinatutupad nang proyekto ang SK.

Namahagi ito ng libreng learning materials para sa mga Grade 6 pababa, at nagsagawa ng Journalism Training, at athletes’ assitance program para sa provincial meet qualifiers.